We Are Here: The Pale Blue Dot
Ang Malayang Kaisipan ng isang Anino
Katagalugang ko pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Ang Dunong ng Sining sa Pakikidigma
Ang aking mga paborito
“Kung kilala mo ang kalaban mo pati ang sarili mo di mo kailangan katakutan ang resulta ng isang daang labanan. Kung sarili mo lang ang kilala mo at hindi ang kalaban mo sa bawat panalo mo, ikaw ay makakaranas ng talo. Kung hindi mo kilala ang kalaban pati ang sarili mo ikaw ay siguradong matatalo”
” Ang kasiguraduhan na hindi tayo matatalo ay nasa ating mga kamay, ngunit ang oportunidad para matalo ang kalaban, ay ang kalabanan mismo ang magibigay”
Unang Sabak
Malamig ang simoy ng Hangin
umuulan walang kapiling
Huwag na lang natin isipin
para hindi na masaktan ang damdamin
ang kaisipan ko ay tumutulo
tila ilog na umaagos
hindi ito dapat pigilan
dahil ito ay hindi nasasaktan
madami pa akong pagdadaanan
para ang tunay na kaligayahan ay makamtan
hindi ito matatagpuan sa kabilang ibayo
kundi nagsisimula sa ating puso
Kaya ipahayag na natin ang ating sarili
para sa huli ay hindi na magsisi
tara na at magsimula
dahil ang buhay natin ay unti unting nawawala!


9
